Muling nakapagtala ng bagong record ang Kapamilya longest-running action drama teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.
Sa pinakahuling episode nito noong Friday, August 20, nakuha ng FPJ's Ang Probinsyano ang pinakamataas na concurrent views sa Kapamilya Online Live sa Youtube.
Naitala ng teleserye ni Coco Martin ang 162,831 concurrent viewers, ang pinakamataas mula nang magstream ang teleserye sa Youtube matapos mawala sa ere ang Kapamilya network.
Matatandaang, nawala sa ere ang ABS-CBN noong Mayo 2020 dahil sa pagbasura ng kongreso ang kanila franchise renewal application.
Dahil dito ay nagconcentrate ang network sa kanilang mga digital platforms kung saan sila kasalukuyang napapayagpag.
Huling naitala nang FPJ's Ang Probinsyano ang pinakamataas na concurrent views noon June 3, 2020 kung saan 154,039.
Samantala, tuloy na tuloy pa rin ang laban ni Cardo Dalisay sa ika-6 na taon ng FPJ's Ang Probinsyano. At sa panibago nitong season, ay makakasama na nya ang nababalitang real-life partner na si Julia Montes na gaganap sa bagong karakter na si Mara.
Mapapanood ang FPJ's Ang Probinsyano sa A2Z Channel 11 at TV5 sa free TV, Kapamilya Channel at Cinemo sa cable, at Kapamilya Online Live, iWantTFC at We TV iFlix sa mga digital streaming platforms.

