Saturday, 14 August 2021

FPJ's Ang Probinsyano, wagi sa pinakahuling rating ng AGB Nielsen.

0

Patuloy nga ang pag-angat ng Kapamilya longest running teleserye na FPJ's Ang Probinsyano sa TV ratings leaderboard.


Sa pinakahuling rating data ng AGB Nielsen NUTAM survey nitong Lunes, August 9, nakapagtala ang FPJAP ng 14.0 ratings na nag-paangat sa pwesto nito sa number 3.


Matagal-tagal din nanatili ang teleserye ni Coco Martin sa number 4 spot bago nito nakuha ang number 3 position.


Dating ino-occupy ng Kapuso cultural drama na Legal Wives ang number 3 spot, ngunit nahulog ito sa number 4 at pinalitan ng FPJ's Ang Probinsyano.


Ito na ang pinakamataas na ranking ng FJPAP sa ratings leaderboard matapos mawala sa ere ang ABS-CBN noong May 2020.


Isa itong malaking tagumpay para sa Kapamilya network at sa FPJ's Ang Probinsyano dahil umeere lamang ang kanilang programa via blocktime agreement with A2Z Channel 11 at TV5 dahil sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN. 


Bagamat napapanood rin ito sa cable channels ng ABS-CBN na Kapamilya Channel at Cinemo.


Matatandaang matagal na naghari ng ratings leaderboard ang FPJAP noong nasa ere pa ang ABS-CBN. Consistent na number 1 program ang teleserye ni Coco Martin noon namamayagpag pa sa ere ang Kapamily network.


Ito na kaya ang hudyat ng pagbabalik ng FPJAP sa tuktok ng rating's board? Abangan...

Author Image

About Scribbler
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment