Saturday, 16 July 2022

Kapamilya online viewers warmly welcome Tropang LOL

0

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapamilya online viewers sa TV5 noontime show na Tropang LOL (Lunch Out Loud)


Nitong Sabado nga, July 16 ay naganap na ang pinakamalaking pagsasanib pwersa sa telebisyon matapos umere ng back-to-back ang dating magkaribal na programang Tropang LOL at It's Showtime.


Kung dati ay napapanood lamang sa free-TV channel na TV5 and LOL, sa naganap na collaboration with ABS-CBN ay mapapanood na rin ito sa A2Z, Kapamilya Channel, TFC at Kapamilya Online Live sa Youtube.


At naging maganda nga ang pagtanggap ng mga Kapamilya online viewers sa Tropang LOL dahil nakapagtala ito ng mahigit 50 thousand live concurrent view sa Kapamilya Online Live.


Malaking bagay ito para sa Kapatid noontime show dahil dagdag exposure ito para sa kanilang programa. Napatunayan na naman ng ABS-CBN kung gaano kalakas ang tulong ng online viewers para maging patok ang kanilang mga programa.


At dahil napapanood na rin ang LOL sa lahat ng ABS-CBN digital platforms, maari na ring iexpect ang mas paglago pa nito at lalong pagkakilala sa programa at sa mga segments nito na talaga naman kinagigiliwan na ng mga manonood.
Author Image

About Scribbler
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment