Saturday, 6 November 2021

John Adajar 1st evictee sa PBB Kumunity Season 10

0

Ang mix martial artist at beteranong male pageant contender na si John Adajar ang kauna-unahang evictee sa Season 10 ng Pinoy Big Brother.

Nitong Sabado, November 6, 2021 at tuluyan na ngang lumabas ng bahay ni kuya ang Mix Martial Ama ng Laguna na si John.


Base sa naging botohan sa text at Kumu, si Adajar ang nakakuha ng pinakamababang combined votes na nagbunsod sa pagbabalik nito sa outside world.

Nakapagtala sya ng 0.03% total combined votes to saved and votes to evict. At dahil doon ay sya ang naging kauna-unahang evictee sa kasalukuyang edition ng PBB.



Sa paglabas nya at naligtas naman ang dalawa pang nominado na sina Karen Bordador at KD Estrada.

Nakuha ni KD ang pinakamataas na combined votes to save and votes to evict na 45.04% samantalang pumangalawa naman si Karen na may 18.44% combined votes.

Tuloy-tuloy na panoorin ang journey ng mga celebrity housemates sa PBB Season 10 sa Kumu, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at A2Z Channel 11.
Author Image

About Scribbler
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment