Saturday, 4 September 2021

Paolo Contis may ipinalit nga ba agad kay LJ Reyes?

0

Usap-usapan pa rin ang hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.


Bagamat walang specific na dahilan na ibigay si LJ sa kanilang hiwalayan may mga naglabasan sa social media sa diumano'y maaring dahilan ng break-up nila.


Trending sa Tiktok and spotted video umano ni Paolo kasama ang isang babae sa Our Lady of Manaoag church sa Pangasinan.


Kitang-kita sa video ang isang lalaki na naka-gray na shirt at white na shorts kaholding hands ang isang babae. Base sa mga description ay si Paolo ang naturang lalaki ngunit hindi kinilala ang kasama nitong babae.


Ayon sa nag-upload nakunan ito noong Friday, August 27.


Kasunod naman ng trending Tiktok video ay ang picture naman ni Paolo sa Baguio City kasama pa rin ang di pa nakikilalang babae.


Base sa kumakalat na photo sa social media ay kitang-kita na si Paolo nga ang lalaki na may kasamang hindi pa nakikilalang babae.


Ang picture din na iyon ang nagpatunay na si Paolo na yung nakuhanan sa viral Tiktok video dahil sa parehas nitong suot na damit.

LJ Reyes Interview


Naging malaking balita sa showbiz ang pagconfirm ni LJ Reyes ng kanilang hiwalayan ni Paolo.


Nitong September 1, sa kanyang tell all interview kay Boy Abunda ay emosyonal na ibinahagi ni LJ ang aniyay hindi mutual na decision ng hiwalayan.


Ayon kay LJ, gusto pa sana nya isalba ang kanilang relasyon ngunit hindi na ito nais ng kanyang dating partner na si Paolo.


Bagamat itinanggi ng manager ni Paolo na 3rd party ang naging dahilan ng hiwalayan at wala rin  naman nabanggit si LJ, dahil sa mga naglabasang video at picture ay malaman kakailanganin ni Paolo na magpaliwanag sa lalong madaling panahon.

Author Image

About Scribbler
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment