Ayon sa ilang blind items, may isang de kalibre at award winning actress ang magiging parte ng FPJAP sa pagdiriwang nito ng kanilang ika-anim na taon.
Bago ang napipintong pagpasok ng megastar sa FPJ's Ang Probinsyano ay nauna nang lumabas ang mga bagong characters sa pangunguna ni Julia Montes bilang Mara. Kasabay ni Julia ay sina John Estrada, Rossanna Roces, Joseph Marco, Tommy Abuel at iba pa bilang panimula sa pagdiriwang ng ika-anim na taon sa telebisyon ng Kapamilya teleserye ni Coco Martin.
Samantala, nabanggit din ni Jun Lalin sa isa nitong article nito sa Newsko na mukhang si Sharon ang sorpresang addition sa pamilya ni Cardo Dalisay at ng Ang Probinsyano.
Ayon sa source ni Lalin ay tuloy na tuloy na ang pagiging part ng Megastar ng Kapamilya teleserye. Nakipagpulong umano ang Dreamscape sa management team ng Megastar para sa special na role nito sa teleserye na diumano ay gagampanan ang pagiging ina ng character ni Julia Montes.
Kung matutuloy ang pagpasok ni Megastar sa FPJ's Ang Probinsyano ito ang kanyang magiging unang Kapamilya teleserye.
