Opisyal na nga ang paglipat ng dating Kapuso prime actress na si Lovi Poe sa bakuran ng ABS-CBN.
Matapos ang ilang ulit na negosasyon at tuluyan na nang pinili ni Lovi ang maging bagong Kapamilya.
Nitong Huwebes, September 16, ay opisyal nang pumirma ang actress ng exclusive contract sa ABS-CBN.
Kabilanga sa mga nagwelcome kay Lovi at present sa makasaysayang contract signing ay ang mga matataas na pinuno ng network lead by ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, Head of Broadcast Cory Vidanes at and Head ng Dreamscape Unit na si Deo Endrinal.
Bago pa man ang inabangang contract signing at matagal na rin napapabalita ang napipintong pagtawid bakod ng actress. Ilang mga blind items at showbiz news na rin ang kumalat sa umano'y paglipat ni Lovi dahil sa hindi pagrenew ng GMA sa kontrata nito.
Subalit, muntik na rin hindi matuloy ang kanyang paglipat matapos biglang mag-offer ang GMA ng panibagong contract sa kanya. Ngunit sa hinaba-haba man daw ng prusisyon ay sa ABS-CBN pa rin sya natuloy dahil mas maganda umano ang alok ng Kapamilya network.
Sa GMA nagsimula ang career ni Lovi na tumagal ng 15 years bago ang kanyang pangingibang bahay.
Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan nya ang Kapuso network sa lahat ng mga naitulong nito sa kanyang career sa loob ng labing-limang taon.
"Mananatili sa Puso ♥️Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories.
Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it.
Punong puno ng pagmamahal
at pasasalamat ♥️,
Lovi Poe"
Si Lovi na ang pangatlong prime star ng GMA na lumipat sa ABS-CBN nitong mga nakalipas na buwan kasunod nina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon.
