Tuesday, 31 August 2021

FPJ's Ang Probinsyano arangkada sa ratings, most-watched teleserye na muli

0


Unstoppable!


Wala na nga talagang makakapigil sa muling paghahari ng FPJ's Ang Probinsyano sa ratings board.


Sa pinakahuling ratings data ng AGB Nielsen NUTAM survey noon Friday, August 27 ay nakapagtala ang Kapamilya longest-running teleserye ng 14.4 rating.


Dahil sa rating na ito, umakyat na sa second spot ang teleserye ni Coco Martin kasunod ng Kapuso newscast na 24 Oras.


Ito na ang pinakamataas na rating na naabot ng Kapamilya teleserye matapos mawala sa ere ang ABS-CBN dahil sa pagpatay ng kongreso sa kanilang franchise renewal application.


Maituturing itong napakalaking tagumpay para sa Kapamilya network dahil muli nakuha ng FPJ's Ang Probinsyano ang trono bilang most-watched teleserye sa buong bansa sa kabila nang limitado nitong reach dahil napapanood lamang ito via blocktime agreement with A2Z Channel 11 at TV5 na alam naman ng lahat na maliit ang reach kumpara sa katapat na GMA7.


Samantala, tila malaki ang naitulog ng pagpasok ni Julia Montes sa teleserye sa pagbabalik nito sa tuktok ng ratings board.


August 23, Monday nang pumasok ang character ni Julia na si Mara. Simula noon ay nag-umpisa na ang tuloy-tuloy na pagtaas ng ratings at maging online viewership ng teleserye.


Ito rin ang itinuturong dahilan ng mga netizens sa pansamantalang pamamaalan ng Kapuso rival nitong The World Between Us na nag-anunsyo ng season break matapos umano itong matalo ng FPJ's Ang Probinsyano sa ratings game.


Author Image

About Scribbler
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment